Love In The Time of Poetica

Hinuli ako ng Tula
Sa gitna ng Pagka—
Tunganga.
Kinalabit, at saka
Kinuwelyuhan. Itinulak ang
Katawan sa pader.

Gumapang ang
Tula’t, hinalikan
Ang hinubdan
Na dulas ng aking pusod.
Sinunggaban ang labis
Na lapnos ng aking
Kabuuan.
At saka

Pinaglaruan
Ang nagising at naninigas
Na ningas
Ng aking
Ulirat.

Hinuli ako ng Tula.
Na ako ang
Sadya.

Hinuli’t, isinubo’t,
Hanggang sa
Nilabasan

Ng mainit at
Malagkit na punlay

Ng ‘alam, alamat, at alat
Ng buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s