Sa pintuan ng St. Peter

Papasok ako’t
sabay tayong lalabas
      patungo sa pintuan
      ng St. Peter*.

Sa pintuan ng St. Peter,
hahatakin mo ko’t
      hahatakin din kita
      (mainit sa loob).

Sabay tayong lalabas
pagkatapos kong pumasok
      sa loob ng St. Peter.
      Hahatakin mo ko’t

      hahatakin din kita
      (mainit sa loob). 
Papasok ako’t
sabay tayong lalabas

sabay tayong lalabas 
     manghihina’t magpupunas
     ng pawis.

(*St. Peter – Simbahan sa may Commonwealth
                    Avenue)

Leave a comment